Patay ang isang hinihinalang Abu Sayyaf bomb maker matapos makasagupa ng mga pulis sa Basilan.
Ayon kay Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Guillermo Eleazar, ang suspek na si Aroy Ittot o mas kilala bilang “Oroy” ay sisilbihan sana ng warrant of arrest para sa kasong murder nang paputukan nito ang mga arresting officers gamit ang M16 rifle.
Dito na napilitang gumanti ang mga awtoridad na nagresulta sa kamatayan ni Oroy.
Isa umano si Oroy sa mga tauhan ng yumaong Abu Sayyaf Group sub-leader na si Furuji Indama at sinasabing sangkot sa pambobomba sa convoy ni Mayor Durie Kalahal ng Tuburan, Basilan noong 2018.
Narekober sa pinangyarihan ng insidente ang isang M16 rifle, isang M14 rifle, ilang piraso ng bala, at grenade rifles.