Patay ang isang notorious leader ng Alferez Group na kabilang sa narco-list matapos makipagbarilan sa mga pulis sa Tangub City, Misamis Occidental.
Kinilala ang suspek na si Jovenjie “Jojo” Alferez, 41 anyos.
Narekober kay Alferez ang tatlong sachets ng shabu, drug paraphernalia at kalibre trenta’y otsong revolver.
Ayon kay Misamis Occidental Provincial Police Director, Col. Danildo Tumanda, si Alferez ay “subject” ng manhunt operation dahil sa serye ng robbery incidents hindi lamang sa Northern Mindanao kundi sa iba pang panig ng bansa.
Kilala rin ang grupo ng suspek na nakikipagsabwatan sa iba pang organized crime syndicate tulad ng Martilyo Gang.