Patay ang isang hinihinalang miyembro ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) matapos makasagupa ng mga tropa ng pamahalaan sa Sta. Catalina, Negros Oriental.
Ayon kay LT. COL. Roderick Salayo, Commanding Officer ng 11th Infantry Battalion ng Philippine Army, hindi pa tukoy ang pagkakakilanlan ng nasawing rebelde na ang labi ay natagpuan sa encounter site sa sitio tamusi, barangay talalak.
Sa inisyal na report, tumagal ng walong minuto ang sagupaan sa pagitan ng mga komunista at government forces sa nasabing lugar.
Natagpuan sa pinangyarihan ng insidente ang isang kg-9mm rifle, ilang magasin at mga bala, isang bandolier, dalawang hand-held radios, isang backpack, at mga hinihinalang subversive documents.