Arestado ang isang kilabot umanong tulak ng droga sa ikinasang buy-bust operation ng mga awtoridad sa Pavia, Iloilo.
Ayon sa pulisya, ang suspek na si Mark John Wendam ay nabilhan ng isang pulis na nagpanggap na buyer ng isang bag ng marijuana na nagkakahalaga ng P3,000.
Maliban dito, nasabat din mula kay Wendam ang isang kilo ng damo na nagkakahalaga ng P150,000.
Tatlo pang umano’y kasabwat ni Wendam ang nadakip sa isinagawang follow-up operation ng pulisya.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.