Maraming netizens ang napahanga ng isang homeless na babae mula sa Simoun St., Sampaloc, Manila.
Sa isang video na viral ngayon, maririnig kasi ang ginintuang tinig ni Gesliza, 43 anyos.
Isang registered nurse ang homeless na si Gesliza. Araw-araw siyang nakaka-survive dahil maraming karinderya sa lugar ang nag-aalok sa kanya ng libreng pagkain.
Ayon sa uploader ng trending video, palaging nasa kalsada at kumakanta ng kanyang mga paboritong awitin si Gesliza. At hindi lamang ito basta pagkanta dahil bukod sa napakaganda niyang boses, maririnig mo ang nararamdaman niyang lungkot na may pahiwatig ng pag-asa.
Sa kabutihang palad, nasagip na si Gesliza at kasalukuyang naninirahan sa isang shelter kung saan matutugunan na ang kanyang mga pangangailangan.
Sa pamamagitan ng musika, nagbigay si Gesliza ng inspirasyon sa marami na patuloy na lumaban sa buhay, lalo na at mayroon pa ring mga taong nagpapakita ng kabutihang loob sa kanilang kapwa.