Nakatakdang i-lockdown ang ospital ng Cabuyao sa Laguna.
Ito ay matapos magkaroon ng direct exposure sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) positive patients ang maraming tauhan ng nasabing ospital.
Pinasailalim na sa 14 day mandatory quarantine ang lahat ng nagkaroon ng exposure sa mga pasyente ng COVID-19.
Habang ang ospital ay isasailalim sa masusing decontamination at sanitation.
Muling maglalabas ng abiso ang ospital ng Cabuyao kung kailan ang balik operasyon nito.