Ipinasara ng Makati City Governement ang isang hotel dahil sa pagkakasangkot nito sa human trafficking.
Pinangunahan ng Makati City Business Permit and Licensing Office at Makati City Police ang pagsisilbi ng order closure laban sa Maxx Hotel na matatagpuan sa Barangay Poblacion.
Una nang nagsagawa ng entrapment operation sa naturang hotel noong Lunes matapos na makatanggap ng tip na ginagamit ang naturang hotel bilang prostitution den.