Nasunog ang ikalimang palapag ng Hotel Okura sa Newport, Pasay City.
Ayon sa may-ari ng hotel agad nilang pinalabas ang kanilang mga kustomer at mabilis na humingi ng tulong sa mga otoridad.
Sa pahayag ng Bureau of Fire Protection-Pasay, mabilis na naapula ng mga rumespondeng bumbero ang naganap na sunog at walang naitalang nasawi o nasugatan.
Patuloy pang iniimbestigahan ang sanhi ng pagliyab ng apoy habang inaalam narin kung magkano ang danyos ng mga naabo sa naganap na sunog. —sa panulat ni Angelica Doctolero