Isinailalim sa lock down ang isang hotel sa Spain matapos magpositibo sa 2019 coronavirus disease (COVID-19) ang isang bisitang doktor.
Nabatid na mula sa Lombardy Region ang naturang doktor na nag-stay sa H10 Costa Adeje Palace sa Tenerife, Spain kasama ang asawa na kalaunan ay nagpositibo na rin sa virus.
Dahil sa lock down, pinayuhan ng pamunuan ng hotel ang mga guest nito na manitili sa kanilang kwarto habang nagsasagawa ng pagsusuri.
Mahigpit na rin umanong binabantayan ng otoridad ang naturang hotel upang hindi basta-basta makalabas ang mga guest dito.