Pinagpapaliwanag ng Korte Suprema ang isang hukom na ipinatawag sa kaniyang sala ang 2 traffic enforcers ng Baguio City matapos siyang isyuhan ng ticket dahil sa illegal parking.
Sinabi ni Court Administrator Midas Marquez na dapat magpaliwanag si Cabanatuan City Judge Nelson Lago sa naging hakbang matapos ang insidenteng kinasangkutan nito.
Una nang inihayag ni Lago na bukod sa tinikitan siya inalis pa ng traffic enforcers ang kaniyang plate number na aniya’y iligal.
Ayon naman kay Baguio City mayor Benjamin Magalong, hindi na dapat ginamit ni Lago ang kaniyang posisyon para gipitin ang mga traffic enforcers dahil pu-puwede naman nitong i-reklamo ang mga ito.
Gayunman, pinayuhan pa rin ni Magalong ang mga traffic enforcers ng lungsod na magtungo sa sala ni Lago.