Pinagmulta ng Korte Suprema ang isang Justice ng Court of Appeals ng katumbas ng 1 taong sahod nito.
Ito ay matapos mabigo si Justice Marilyn Lagura-Yap na desisyunan ang 160 kaso sa loob ng reglementary period sa panahon ng kaniyang panunungkulan bilang Regional Trial Court Judge.
Sa per curiam decision ng high tribunal si Yap ay guilty sa gross inefficiency noong siya ay Presiding Judge pa ng branch 28 ng RTC Mandaue City.
Nabatid na hindi nagsumite si Yap ng certification ng case load sa Judicial and Bar Council nang mag-apply ito sa paglilinis sa hudikatura.