Ikinalugod ng PCPR o Promotion of Church Peoples Response, isang human rights group ang rekomendasyon ng Department of justice na kasuhan ang mga sundalo na hinihinalang nasa likod ng pagpatay kay Father Fausto “Pops” Tentorio, isang missionary Italian priest.
Gayunman, ayon kay Brother Ronal Balase, spokesman ng PCPR, dapat ay mas marami pang gawin ang pamahalaan para protektahan ang mga volunteers na tumutulong sa mga komunidad ng mga katutubo.
Tinukoy ni Balase ang anyay tuluyang pagbuwag sa mga militias na tila naging simbolo na ng kawalang hustisya sa mga liblib na komunidad.
Matatandaan na binaril si Tentorio sa loob ng compound ng Mother of Perpetual Help Parish Church sa Poblacion Village, sa bayan ng arakan north cotabato noong October 2011.
Una nang inirekomenda ng DOJ panel ang pagsasampa ng kaso sa labing dalawang tao na sangkot sa pagpatay kay Tentorio kabilang sina Lt. Col. Joven Gonzales na noo’y lider ng 57th infantry battalion na nakabase sa bayan ng makilala at mga miyembro ng Bagani Special Force.