Patay ang goalkeeper ng isang Indonesian football team na si Choirul Huda matapos nitong makabanggaan ang kapwa nito teammate na si Ramon Rodriguez sa kalagitnaan ng kanilang laro.
Batay sa video footage ng laro, sasaluhin sana ni Huda ang bola bago ito pumasok sa goal nang aksidente itong masalubong ang kanyang teammate na si Rodriguez.
Agad na isinugod sa ospital ang goalkeeper ngunit hindi na ito nagawa pang i-revive ng mga doktor.
Hinihinalang dahil sa tindi ng impact ng salpukan ng dalawa ay huminto sa pagtibok ang puso ni Huda na naging dahilan upang bawian ito ng buhay.
—-