Itinatag ang isang Inter-Agency Task Group sa Palawan para tiyakin na hindi makapanggugulo roon ang anumang teroristang grupo.
Tugon ito ng mga otoridad sa umano’y banta ng terorismo makaraang maglabas ng travel advisories ang embahada ng Amerika at United Kingdom.
Ipinabatid ni Armed Forces of the Philippines o AFP Western Command Chief Lt. Gen. Raul Del Rosario na nagpulong na ang mga bumubuo sa inter-agency task group kabilang na ang Philippine National Police (PNP), Philippine Coast Guard (PCG) at lokal na pamahalaan ng Palawan.
Kinumpirma ni Del Rosario na nakausap na nila ang mga Muslim leader sa lugar, mga negosyante at resort owners kung saan hinikayat ang mga ito na makipagtulungan sa mga otoridad para hindi magtagumpay ang mga terorista sa kanilang masamang balakin.
By Meann Tanbio |With Report from Jonathan Andal