Pinabo boykot ng isang international media organization sa Philippine Media ang press conferences ni incoming President Rodrigo Duterte
Ito ayon kay Benjamin Ismail, Pangulo ng RSF o Reporters Without Borders-Asia Pacific desk ay hanggat hindi humihingi ng paumanhin si Duterte sa naging pahayag nito sa isyu ng media killings
Binigyang diin ni Ismail na hindi tamang magmula sa isang Pangulo ng bansa tulad ni Duterte ang nasabing pahayag na malinaw na paglabag sa batas hinggil sa defamation at maging sa batas sa hatred at violence
Ipinabatid ng RSF na batay sa 2016 World Press Freedom Index bumaba ang pag respeto sa press freedom sa Pilipinas nuong 2015 at ang Pilipinas ay nasa ika isandaan at tatlumput walong puwesto mula sa isandaan at walumpung bansa sa buong mundo na kumikilala sa karapatan sa pamamahayag
By: Judith Larino