Gagawing temporary shelter para sa 100,000 na Rohingya Muslims mula sa Myanmar ang isang isla na matatagpuan sa Bay of Bengal.
Ayon kay Planning Minister Mustafa Kamal, aprubado na ng Bangladesh ang 280 million dollars na pondo para sa nasabing proyekto.
Inaasahang matatapos ang pagsasaayos ng naturang isla sa 2019 kaya’t bibigyan muna umano ng panandaliang matutuluyan ang mga refugee.
—-