Patay ang isang Israeli at isang Palestinian sa magkahiwalay na pag-atake sa bahagi ng West Bank at Israel.
Batay sa ulat, isang lalaking Israeli ang namatay matapos pagsasaksakin ng hindi pa nakikilalang salarin sa Arad City na pinaniniwalaang isang terorista.
Habang isang Palestinian naman ang nabaril ng isang Israeli sa bahagi ng West Bank.
Ayon sa Israeli Army, ang pamamaril ay bilang depensa lang umano sa pamamato ng napatay na Palestino sa suspek.
Kinondena naman ni Palestinian President Mahmoud Abbas ang insidente na kanyang tinawag na isang uri ng karuwagan at patunay ng karahasan ng mga dayuhan sa kanilang mga mamamayan.
—-