Hinagisan ng granada ang isang istasyon ng pulisya sa lalawigan ng Maguindanao.
Ayon kay Maguindanao Police Director Senior Superintendent Agustin Tello, posibleng miyembro ng BIFF o Bangsamoro Islamic Freedom Fighters ang dalawang (2) suspek na naghagis ng granada sa Datu Salibo Municipal Police Office sa Barangay Poblacion sa bayan ng Datu Salibo.
Mabilis namang nakatakas ang mga suspek sakay ng motorsiklo patungo sa liblib na lugar sa nasabing bayan.
Dahil dito, mas hinigpitan pa ng mga otoridad ang seguridad sa nasabing lalawigan.
By Judith Estrada – Larino