Hanap mo ba ay work benefits na hindi ikakaltas sa sahod mo? Kung mahilig kang uminom, baka magka-interes ka sa kompanya na ito sa osaka na nagbibigay ng hangover leaves.
Kung ano ang dahilan para gawin ito ng CEO, eto.
Sa Midoribashi, Osaka, mayroong maliit na tech company na tinatawag na Trust Ring Co., Ltd. Pero huwag itong iismolin dahil generous ang CEO nito.
Kung bakit? Nagdadala lang naman ito ng alak sa kompanya at pinapayagan ang mga empleyado na uminom sa oras ng trabaho.
Hindi pa diyan nagtatapos ang saya sa nasabing kompanya dahil mayroon ding hangover leaves ang mga empleyado!
Weird man tignan, useful naman ito para sa mga empleyado. Sinabi ng isang female employee sa local media na mas mabuting gamitin ang hangover leave para klaro ang isip bago bumalik sa trabaho.
Pero bakit nga ba ito pinahihintulitan ng kanilang boss?
Iyon ay dahil hindi niya raw kayang magpasahod ng mataas.
Dahil sa hirap na sumabay sa mga malalaking kompanya na mayroong mataas na salary offers, nag-isip na lang siya ng unusual benefits para maka-attract ng possible applicants.
Sinabi pa ng ceo na dapat ay maging creative rin ang mga maliliit na negosyo sa pag-iisip ng kakaibang benefits para maka-attract ng mga aplikante.
Ikaw, interesado ka ba na mag-apply sa kompanya na ito?