Arestado ang tatlong suspek kabilang ang isang barangay kagawad, matapos masabat sa mga ito ang nasa 13.6 milyong pisong halaga ng hinihinalang shabu, sa ikinasang buy bust operation sa Indanan, Sulu.
Kinilala ng Municipal Police Station ang mga suspek na sina Ilahan Sabdain Yahya na kagawad ng Barangay Gata-Gata, Muride Jarih Ahajan, at Elwina Hamidan Unaid na isang estudyante.
Nahaharap naman ang suspek sa kasong paglabag sa comprehensive dangerous drugs act of 2002.—mula sa panulat ni Joana Luna