Patay ang isang kakauwi pa lamang na Overseas Filipino Worker o OFW matapos na pagbabarilin sa Mati City, Davao Oriental.
Ayon kay Southern Mindanao Police Spokesperson Chief Inspector Andrea dela Cerna, papasakay sa kanyang kotse ang biktimang si Junifer Paredes nang paputukan ng riding in tandem.
Agad na tumakas ang dalawang suspek habang isinugod naman sa ospital ang biktima.
Nakuha naman sa crime scene ang ilang basyo ng calibre 45 na baril.
Kakauwi lamang ng biktima sa bansa dahil nasa bakasyon ito mula sa kanyang trabaho bilang engineer sa Saudi Arabia.
Kumikilos na ang mga awtoridad upang matukoy ang pagkakakilanlan ng mga suspek at motibo sa naging krimen.
—-