Pansamantalang isasara sa mga motorista ang Tomas Claudio Street sa Maynila bilang pagbibigay-daan sa konstruksyon ng Skyway Stage 3.
Ayon sa MMDA, sisimulan na bukas, August 5 ang road closure na magtatagal hanggang November 30.
Para sa mga motoristang magmumula sa Valenzuela Street patungong Quirino Avenue o Beata Street, Pandacan, maaaring dumaan sa Ramon Magsaysay Avenue.
Kung magmumula naman sa Osmeña Highway at patungong Valenzuela St., Sta. Mesa, maaaring dumaan sa Quirino Avenue papuntang Mabini Bridge at kumanan sa Ramon Magsaysay Ave.at Valenzuela St.
Samantala, kung magmumula naman sa Osmeña Highway patungong Beata St., Pandacan ay maaaring dumaan sa Quirino Avenue at kumanan sa Tomas Claudio St.