Nakubkob ng tropa ng pamahalaan ang isa umanong kampo ni Abu Sayyaf Leader Radulan Sahiron sa Sulu.
Ayon kay Brig. Gen. Alan Arrojado, Joint Task Group Sulu Commander, dahil sa assault operation ay nakuha ng militar ang nasabing kampo sa Barangay Darayan sa bayan ng Patikul.
Sinabi ni Arrojado na ang mga elemento mula sa 32nd Infantry Battalion ng Philippine Army ang nakakubkob sa kuta ni Sahiron.
Sinasabing kaya umanong i-accommodate ng nabanggit na kampo ang 300 tao.
By Jelbert Perdez