Target ng gobyerno at CPP-NDF o Communist Party of the Philippines – National Democratic Front na makabuo ng kasunduan bago ang 2019 Midterm Elections.
Ipinabatid ito ni Government Peace Panel Member Hernani Braganza na nagsabing umuusad ang peacetalks sa kabila ng mga problema.
Tuluy-tuloy aniya ang back channel talks sa level ng mga negosyador.
Kasabay nito, hinimok ni Braganza ang aniya’y spoilers ng peacetalks na iwasan ang taguring terorista sa CPP – NPA o Communist Party of the Philippines – National People’s Army dahil hindi ito nakakatulong para maayos ang sitwasyon.
Ang pinakahuling pag-uusap ay nangyari kagabi sa pagitan nina Labor Secretary Silvestre Bello III at Fidel Agcaoili ng NDF.
By Judith Estrada – Larino