Dahil sa tip ng isang concerned citizen sa pamamagitan ng text hotline ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA, naaresto ng mga awtoridad ang isang kilabot umanong tulak ng droga sa Kidapawan City.
Kinilala ni PDEA-12 Director Naravy Duquiatan ang drug suspect na si Juric Batooy at residente ng Barangay Poblacion.
Nasabat naman mula kay Batooy ang 13 pakete ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P10,000.
Sasampahan ang suspek ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.