Nadakip ng mga awtoridad ang isang kilabot umanong estapadora sa Cebu.
Kinilala ni PNP-CIDG director Maj. Gen. Albert Ignatius Ferro ang suspek na si Katherine Posas Diao na nasakote sa City Homes sa Basak, Lapu-Lapu City.
Sinasabing naaresto si Diao sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Presiding Judge Mario Duaves ng Davao City Regional Trial Court, Branch 15.
Nabatid na isa si Diao sa mga incorporators ng Organico Agri-business Venture na binansagang “big time scammer” sa lungsod ng Davao at iba pang parte ng Mindanao.