Nanawagan sa mga Parokyano ang may-ari ng isang kilalang Bookstore sa Quezon City na huwag maniwala matapos ma-red tag gamit ang isang spray paint.
Nabatid na isang salitang “NPA terorista” ang tumambad sa pinto ng nasabing tindahan dahilan para madismaya at magalit ang mga parokyano.
Ayon sa may-ari ng tindahan, ang mga aklat na ibinibenta sa popular Bookstore ay hindi bala at bomba kundi sumasalamin ang mga ito sa kasaysayan at kultura ng bansa.
Samantala, nagalit naman ang mga taga-suporta ng nasabing Bookstore matapos malaman ang ginawang pag red-tag kung saan, kanilang iginiit na isang “Bookseller to Booklovers” ang nasabing tinadahan na malaki ang naitulong sa mga bumibili.
Sa ngayon, umaasa pa rin ang nasabing Bookstore na patuloy na tatangkilikin at susuportahan ng mga parokyano ang kanilang negosyo.
Matatandaang mariing kinukundena ng Commission on Human Rights (CHR) ang tahasang pan-re-redtag sa ilang grupo at institusyon dahil nilalagay nito sa alanganin ang buhay ng mga nasasangkot na indibidwal. —sa panulat ni Angelica Doctolero