Ligtas na sa tiyak na kapahamakan ang isang 18-anyos na dalaga makaraang mabiktima ng hazing sa pinapasukan nitong kolehiyo.
Itinago na lamang sa pangalang Anna ang biktimang estudyante ng Lyceum of the Philippines University batay na rin sa kahilingan ng pamilya nito.
Ayon kay Southern Police District Director C/Supt. Tomas Apolinario, nangyari ang insidente noong Enero 8 sa isang abandonadong bahay sa Ocampo Street sa Las Piñas City.
Pinilit umano ang biktima ng mga suspek na kinilala lamang sa mga pangalang Yonara, Yuna, Marie at Brandy na sumali sa Sigam Triskellion Sorority na affiliated naman sa Tau Gamma Fraternity.
Nagtamo ng sugat sa binti, pasa at paso ng kandila ang biktima at pinagbantaang isisilid na lamang sa sako ang bangkay nito sakaling hindi palaring mabuhay pa.
Investigation ongoing
Pursigido ang pamilya ng biktimang itinaggo sa pangalang Anna na habulin ang mga nasa likod ng hazing sa kanilang unica hija.
Ayon sa ina ng biktima na si Ginang Charisma Alilio, ito’y para turuang ng leksyon hindi lamang ang 40 ka-eskuwela ng kanyang anak.
Maliban dito, nais din ni Ginang Alilio na maging eye-opener sa lahat ng mga estudyante na posibleng mabiktima ng mga pasaway na fraternity sa mga kolehiyo at unibersidad.
Kasunod nito, agad inatasan ni Southern Police District Director C/Supt. Tomas Apolinario ang Las Piñas City Police na makipag-ugnayan sa Manila Police hinggil sa ikakasa nilang imbestigasyon.
By Jaymark Dagala | Report from: Allan Francisco (Patrol 25)