Sinuspinde ang klase at maging ang opisina sa College of the Holy Spirit sa Maynila.
Kasunod na rin ito ng bomb threat na natanggap ng isang opisina ng nasabing kolehiyo.
Kaagad namang sumugod sa kolehiyo ang bomb squad ng Manila Police District (MPD) at ginalugad ang buong College of Holy Spirit subalit walang nakitang bomba.
Ayon naman sa post ng isang nagpakilalang miyembro ng Abu Sayyaf sa pangalang Abu Raja sa Facebook, nagtanim sila ng bomba hindi lamang sa CEU gayundin sa San Beda College at apat na paaralan pang malapit sa Malacañang at anito’y maaaring sumabog ng alas-8:00 ng umaga.
Ipinabatid naman ng MPD Station 8 na negatibo sa bomba ang San Beda, CEU at EARIST o Eulogio Amang Rodriguez Institute of Science and Technology.
By Judith Larino