Patay ang isang mamamahayag makaraang paulanan ng bala habang nasa loob ng isang convenience store sa lalawigan ng Ilocos Norte.
Kinilala ang biktimang si Steve Barreiro, kolumnista ng pahayagang Ilocos times at residente ng Laoag City.
Ayon sa inisyal na impormasyon ng mga awtoridad, kasama ni Barreiro ang kaniyang anak sa isang convenience store sa bayan ng Pasuquin nang bigla na lamang itong lapitan ng suspek na kinilalang si Oliver Doctor.
Walang sabi-sabing bumunot ng baril si doctor at walang habas na pinaputukan ang biktima gamit ang 9 milimeter ngunit himala namang nakaligtas ang anak nito.
Love triangle ang nakikitang dahilan mga pulis sa pagpatay sa biktima dahil napag-alamang dating asawa ng kasalukuyang nobya ni Barreiro ang suspek.
By: Jaymark Dagala