Hinikayat ng isang mambabatas ang Department of Information and Communications Technology (DICT) na higpitan ang pagbabantay sa mga couriers sa bansa.
Ginawa ni Cebu Rep. Eduardo Gullas ang panawagan matapos masabat ng mga awtoridad ang P81.6 milyon na halaga ng hinihinalang shabu sa warehouse ng J&T Express sa Central Visayas.
Giit ni Gullas, mayroong eksklusibong kapangyarihan at awtoridad ang DICT na i-regulate ang industriya ng postal delivery services, gayundin ang domestic postal commerce sa bansa.