Isinusulong ni House deputy minority leader Luis Campos, Jr na maideklarang tax free ang overtime pay at night differential ng mga manggagawa.
Sinabi ni Campos na sa pamamagitan nito ay mas magiging makabuluhan ang exemption sa tax reform package ng duterte administration sa buwis ng overtime pay at night differential ng mga empleyado.
Ang nasabi aniyang hakbang na inihabol niya kay House Ways and Means Committee Chair Dakilo Carlo Cua ay naaayon naman sa nais ng Pangulong Rodrigo Duterte na gawing patas ang sistema nang pagbubuwis sa bansa.
Ayon pa kay Campos, hindi kawalan sa gobyerno ang kaniyang rekomendasyon dahil diretso naman sa gastusin sa pangangailangan ng pamilya ng mga manggagawa ang dagdag na bayad sa mga ito mula sa tax free ot at night differential pay.
By Judith Estrada-Larino