Isinulong ng isang kongresista ang panukalang magkaroon ng hiwalay na utos sa importasyon ng asukal para sa industriya ng inumin.
Ito ay para hindi makaapekto ang shortage ng asukal sa presyo nito sa local market.
Ayon kay San Jose Del Monte City Representative Florida Robes, halos 50% ng inumin sa bansa ay may sangkap na imported srefined sugar.
Dahil dito, inaasahang magiging malaki dagok sa kanila kung itataas ang presyo sa kada kilo ng asukal.
Una rito, sinabi ng Beverage Giant Coca-Cola Beverages Philippines Inc. na aabot sa 450 thousand metriko tonelada ng premium refined sugar ang kanilang kailangan para sa kanilang produkto.
Sa ngayon, sa oras na maisabatas ang panukala, mismong ang sugar regulatory administration ang magpapatupad ng mandato upang hindi makaapekto ang sugar shortage sa beverage industry at local consumers.—sa panulat ni Hannah Oledan