Nagpositibo sa COVID-19 ang isang 77-taong-gulang na kongresista na nakatira sa Quezon City.
Ayon kay Dr. Nick Dizon, Director ng house medical dental services, ang naturang kongresista ay nakararanas ng mild symptoms ng virus, at kasalukuyan nang nakasailalim sa home quarantine.
Mababatid na sinumalan ng kongresista ang kanyang quarantine noong ika-30 ng Oktubre, nang siya’y makabalik sa Maynila mula sa probinsya.
Nobyembre 2 nang siya’y makaranas ng ilang sintomas gaya ng pangangati ng lalamunan, pag-uubo at pananakit ng ulo, kaya’t minabuting magpatest, kung positibo sa COVID-19.
Sa pinakahuling datos, ang naturang kongresista ang ika-90 COVID-19 case sa hanay ng mga miyembro at tauhan ng kamara.
Samantala, bukod sa naturang kongresista, positibo rin sa virus ang isang 43 taong gulang na congressional staff na naunang nagkaroon ng contact sa isang COVID-19 positive.