Patay ang isang konsehal matapos barilin nang malapitan sa Masbate.
Batay sa ulat, agad binawian ng buhay si Konsehal Antonio De Ocampo ng Placer, Masbate matapos barilin ng di pa nakikilalang salarin.
Sugatan naman ang kaniyang anak na si Michael Angelo na sinubukang gumanti ng putok sa suspek.
Nabatid na planong tumakbo muli ni De Ocampo sa darating halalan.
Samantala, sugatan naman ang isang konsehal din sa Zamboanga del Sur matapos tambangan.
Kinilala ang biktima na si Teomila Nobleza na pinaulanan ng bala habang lulan ng kaniyang sasakyan pauwi na sa kanilang bahay.
Nagtamo ng sugat sa mukha at braso si Nobleza.
Nakatakda ring tumakbong muli si Nobleza bilang pagkakonsehal.
May duda naman ang konsehal sa kung sino ang nasa likod ng pananambang sa kanya.