Patay sa pamamaril ang isang konsehal sa bayan ng Aguilar sa Dagupan City.
Kinilala ang biktima na si Remegio Servanda, 68 anyos ng Barangay Tambac sa Aguilar.
Batay sa ulat, nagmamaneho noon ng kaniyang tricycle si Servanda nang pagbabarilin ito ng hindi pa nakikilang lalake na nakasakay ng motorsiklo.
Agad nakatakas ang mga suspek at binagtas ang daan patungo sa bayan ng Mangatatem.
Idineklara namang dead on arrival ang biktima pagdating nito sa ospital.