Isang konseho ang binuo para pag-aralan at magrekomenda ng polisiya kung paano masosolusyunan ang matinding problema sa trapiko sa Metro Manila.
Itinatag ang MMTCC o Metro Manila Transport Consultative Council matapos ang isinagawang consultative meeting sa MMDA patungkol sa panukalang modified odd-even scheme.
Magsisilbing facilitator ng MMTCC si University of the Philippines Prof. Clarita Carlos.
Binubuo rin ito ng iba’t ibang transport leaders, commuters’ safety advocates, motorcycle riders’ organizations, public utility vehicles operators.
Gayundin ng ilang kinatawan mula sa MMDA, Department of Transportation, Land Transportation Office at LTFRB.
By Meann Tanbio