Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na nagbiyahe nga sa Pilipinas ang isang Koreanong nagpositibo sa zika virus.
Ayon kay DOH Secretary Janette Garin, kumikilos na ang ahensya upang i-beripika kung dito sa bansa nakuha ng biktima ang naturang sakit.
Una nang lumabas sa Korean Herald ang naging kumpirmasyon ng South Korea kaugnay sa ikalawang kaso ng zika virus sa kanilang bansa.
Nito lamang Abril 10 hanggang 14 ay binisita ng 20-anyos na lalaking Koreano ang Pilipinas kung saan umano siya nakagat ng infected na lamok.
Sa ngayon nasa stable na kondisyon ang biktima habang isinasailalim pa ito sa mas marami pang medical examination.
By Rianne Briones