Isang Korean national ang nagsilbing middleman o go between ng mga kidnapper ni Korean Executive Jee Ick Joo at may bahay nito.
Ayon ito kay PNP Anti Kidnapping Group Director Senior Supt Glenn Dumlao.
Sinabi ni Dumlao na ang nasabing go between ang nag advise kay Choi Kyung Jin na sundin na ang ransom ng mga kidnapper ng asawa nito at humingi pa ang suspek ng anim na raang libong Piso para anito pabilisin ang imbestigasyon sa nasabing kaso.
Ang naturang Korean national ay may kaugnayan sa grupo ni SPO3 Ricky Sta Isabel na siyang pangunahing suspek sa pagpaslang kay Jee.
Gayunman nilinaw ni Dumlao na hindi nila kakasuhan ang nasabing go between na kailangan pa aniyang isuko sa kanila ng kanilang Korean counterpart at uubra itong mai turn over sa kanila anumang oras.
Ipinabatid pa ni Dumlao na hinihintay din nila ang pahayag hinggil dito ngh asawa ni Jee.
By: Judith Larino / Jonathan Andal