Walang malay nang natagpuan sa isang warden facility sa loob ng Bureau of Immigration sa Taguig City ang isang 52 anyos na South Korean national na nagngangalang Son Beyeongkweon, nitong umaga ng lunes.
Ayon kay Dana Sandoval tagapagsalita ng BI, hinarang sa Ninoy Aquino International Airport si Son nitong Disyembre 29 matapos matuklasang takas at may warrant of arrest ang Koreano sa South Korea sa kasong panloloko kaya’t agad itong dinala sa pasilidad ng BI nitong Disyembre ng nakaraang taon.
Paglilinaw naman nii Sandoval agad namang inasikaso ng nurse na nakaduty noong oras na iyon si Son,subalit natagpuan na itong walang hininga.
Samantala nakikipag-ugnayan na ang bansa sa Korean Embassy kaugnay sa nangyari insidente.—sa panulat ni Agustina Nolasco