Ipinasara ang isang KTV bar sa Pasay City na nagbukas kahit ipinagbabawal sa ilalim ng alert level 4 sa NCR.
Sinalakay ng mga otoridad ang glx “galaxy ktv bar” na nasa sa hobbies of Asia, Macapagal Boulevard, bandang 2:30 ng madaling araw nitong Oktubre 3.
Inaresto ang mga tauhan nito na sina Michael Relampago, 29-anyos, Floor Manager; Elren Pusing, 32-Anyos, Waitress; at mga waiter na sina Mark Anthony Cerbito,27-anyos; Joel Caalim, 26-anyos; Jerry Quartero Jr. 28-anyos; at Arjay Glen Rebulas, 33-anyos.
Pinagmumulta ang mga ito dahil sa paglabag sa ordinansa at sa Republic Act 11332 o non-cooperation of the person or entities identified as having a noticeable disease or affected by the health event of emergency.—sa panulat ni Hyacinth Ludivico