Asahan nang magsusunuran ngayong araw ang iba pang mga kumpaniya ng langis sa kanilang oil price rollback.
Ito’y makaraang mag-anunsyo kahapon ang Petro Gazz ng pisong tapyas presyo sa kada litro ng kanilang gasolina habang walumpung sentimos (P0.80) naman sa kada litro ng kanilang diesel.
Karaniwang tuwing Lunes nag-aanunsyo ng rollback sa kanilang mga produktong petrolyo ang mga oil companies na kadalasang epektibo tuwing araw ng Martes.
Magugunitang noong isang linggo, nagpatupad ng price hike ang mga kumpaniya ng langis bunsod na rin ng paggalaw sa presyo nito sa world market.
—-