Sinampahan ng kasong tax evasion ng Bureau of Internal Revenue o BIR ang isang kumpanya ng shampoo at lotion sa Pasig City.
Ito’y dahil sa kabiguang magbayad ng tamang buwis sa pamahalaan ang kumpanyang body needs and basics incorporated mula sa kanilang kinikita.
Ayon sa BIR, bagama’t nagsumite ang kumpanya ng kanilang expanded withholding tax gamit ang e-filing system ng ahensya, hindi naman sila nakapagfile ng withholding tax on compensation mula taong 2011 hanggang 2013.
Bigo rin ang kumpanya na bayaran ang buwis sa pamahalaan at hindi ito nakasunot sa pay as you file principle ng ahensya.
Dahilan upang pumalo sa mahigit P12-M ang tax liability ng kumpanya kabilang na ang surcharges at interes.
By Jaymark Dagala |With Report from Bert Mozo