Ganap na 6 a.m. ngayong umaga nang magpatupad ng rollback sa presyo ng kanilang produktong petrolyo ang oil company na Phoenix petroleum.
Aabot sa P1.55 ang itatapyas sa kada litro ng kanilang gasolina habang .50 sentimo naman sa kada litro ng diesel.
Asahan namang susunod na magpapatupad ng oil price rollback ang iba pang kumpanya ng langis sa darating na Martes, Oktubre 1.
Tinataya namang aabot sa P1.60 hanggang P1.70 ang ibabawas sa kada kada litro ng gasolina, .60 sentimo hanggang .70 sentimo naman sa diesel at .90 sentimo hanggang P1 sa kada litro ng kerosene.
Ngunit kasabay nito ang pagtataas ng presyo ng Liquified Petroleum Gas (LPG).
Napag-alaman na P4 hanggang P5 kada kilo o P44 hanggang P55 kada 11-kilogram cylinder ang itataas ng LPG.