Inaprubahan ng gobyerno ang isang kumpanya sa China bilang potential organization para sa clinic trials ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) vaccine candidates sa Pilipinas.
Tinukoy ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang Beijing based Sinovac Biotech na nag-develop ng isa sa posibleng bakuna na sinusubukan na sa China.
Kabilang sa iba pang collaborating organizations para sa clinical trials ang Adimmune Corporation, Academia Sinica, Chinese Academy of Science-Guangzhou Institute of Biomedicine and Health at Sino Pharma-Wuhan Institute of Biological Products and Beijing Institute.
Idinagdag na rin ng IATF ang board of investments bilang miyembro ng IATF sub technical working group on vaccine development.