Kinalampag ng isang grupo ng manggagawa ang National Wage Board para dagdagan ang minimum wage para sa Metro Manila.
750 pesos na minimum wage sa NCR ang hinihingi ng U-WIN o Koalisyong Unity for Wage Increase o dagdag na 213 pesos sa umiiral na 537 minimum wage.
Ayon kay Charlie Arevalo, pangulo ng U-WIN, batay sa kanilang pag aaral, mahigit 1,000 piso ang kailangan para sa pagkain at iba pang pangangailangan ng limang kataong pamilya araw araw.
Ang 750 pesos anya na kanilang hinihingi ay pantawid lamang at hindi pa sapat para matugunan ang pangangailangan ng isang pamilya sa araw araw.