Isang lalaking engineer ang arestado sa Cotabato City dahil sa pag-re-recruit umano ng mga miyembro ng Ansar Al-Kilafah Philippines o AKP na kabilang sa grupong umanib sa Islamic State of Iraq and Syria (ISIS).
Natimbog ang suspek na kinilalang si Nasser Dilangalen, 57 taon, isang araw matapos mailgitas ng mga pulis ang limang bagong recruit ng Maute Group sa bayan ng Parang, Maguindanao na bibiyahe na sanang Marawi City.
Si Dilangalen na construction at engineering maintenance general foreman, ay nasakote ng pinagsanib na pwersa ng task force Kutawato at Cotabato City Police Office.
Kaanak ng suspek ang isa sa pitong AKP recruits na napatay ng Philippine Marines sa Barangay Butril, palimbang, sultan kudarat, noong November 2015.
Sinasabing kabilang din si Dilangalen sa maimpluwensyang political family sa Mindanao.
By Drew Nacino