Ano ang gagawin mo kung mahuli mo ang iyong kapitbahay na nag-tresspassing sa iyong property?
Pero paano kung hindi tipikal na gawain ng isang trespasser ang pakay nito?
Kung ano ito, alamin!
Sa Sindos, Greece, isang hindi pinangalanang 28-year-old na lalaki ang inireport dahil sa pagpasok sa property ng ibang tao.
Ang rason niya? Ito ay ang pag-amoy ng sapatos ng kanyang mga kapitbahay!
Nang magharap sa korte, sinabi ng matandang lalaki na nag-report na tatlong araw na niyang nakikita ang salarin sa kanilang property kaya’t naging alerto agad siya.
Dagdag pa niya, napansin din daw ng iba nilang kapitbahay na inaamoy ng lalaki ang kanilang mga sapatos sa loob ng anim na buwan.
At nang mahuli ang lalaki sa akto, agad siyang tumawag sa mga pulis upang ipaaresto ito.
Aniya, hindi naman daw nananakit ang lalaki at naiintindihan din daw nito kung ano ang ginagawa.
Nang tanungin naman ng mga kapitbahay ang salarin kung bakit niya ito ginagawa, sinabi niya na ‘it makes my life better.’
Sinabi nito sa mga pulis na batid niyang isa itong sakit at gagawin niya ang lahat para gumaling.
Pinatawan naman ng single-member misdemeanor court ng thessa-loniki ng suspended sentence of one month in prison with three years of probation ang lalaki.
Ikaw, anong masasabi mo sa kakaibang pakay na ito ng lalaki?