Aakalain mo ba na pati pala sa paghihikab ay kailangan mo na ring mag-ingat dahil pwede pala itong magdulot ng lockjaw? Ganyan ang nangyari sa isang lalaki na na-lock ang panga dahil sa paghikab.
Ang buong kwento, alamin.
Sa isang video, makikita ang lalaki na si Rommel na nakanganga at hindi maisara ang bibig dahil bigla na lamang nag-lock ang kaniyang mga panga matapos maghikab.
Mabuti na lamang at natulungan si Rommel ng massage therapist na si Marco at ibinalik sa dating porma ang kaniyang panga.
Naging mabilis lang ang pag-aadjust ni Marco sa panga ni Rommel, at wala pang limang minuto ay nakaramdam na ulit ng ginhawa si Rommel kung saan naisara na nito ang kaniyang bibig.
Ayon kay Marco, dapat ay manatili lamang relaxed ang pasyente at huwag magpupumilit na isara ang bibig.
Sinabi rin nito na ang lockjaw ay tinatawag din na TMJD o Temporo-Mandibular Joint Displacement, at ang nangyari raw kay Rommel ay isang halimbawa ng displacement ng Condyle o isang buto na kinakailangan daw itulak pababa upang maibalik sa dating pwesto.
Ikaw, ano ang gagawin mo kung ikaw ang ma-stuck ang panga dahil sa sobrang paghihikab?