Patay ang isang lalaki habang sugatan naman ang dalawang iba pa makaraang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang salarin sa Passi City, Iloilo.
Ayon sa pulisya, dead on the spot si Afrantes Alarilla at dinala naman sa ospital sina Lodovico Claridad at Joebert Mandate.
Sa imbestigasyon, lulan ng isang traysikel ang tatlong biktima nang pagbabarilin sa barangay Dalicanan.
Sinubukan umanong mag-overtake ng motorsiklo na sakay ang tatlong lalaki at pagewang-gewang ang takbo hanggang sa bigla na lang pinagbabaril ang mga sakay ng traysikel.
Sinasabing traffic altercation ang tinitingnang motibo ng mga awtoridad sa naturang pamamaril.